"SO, ano ngayon ang plano ninyo mga anak? I mean,..." Kagaya niyang buntis ang mamanugangin kaya't nag-alanganin siyang tapusin ang nais sabihin. Kaso ito rin naman ang tumapos. "Alam ko po ang nais mong tukuyin, Tita. Dahil dito(sabay haplos sa tiyan) ay mag-civil na lang muna kaming dalawa. After giving birth, we'll be having a double celebration," nakangiti nitong saad. "Tama po si Jemma Beatrice, Mommy, Daddy. Ayaw ko naman pong madaliin ang preparasyon ng kasal namin." Segunda naman ni Nathan Haze. "Wala namang problema sa bagay na iyan mga anak. Ang mahalaga ay mayroong basbas ang pagsasama ninyo," pagitnang pahayag ni Hitler. Ilang sandali ring namayani ang katahimikan sa kanilang nandoon. Subalit hindi rin nagtagal ay muling nagwika ang kapwa air force pilot ni Nathan Haze. "

