"DAD, what's is this all about? It's been a while since you drunk," nahihiwagaang tanong ni Nathaniel sa amang halatang nakainom. "Hindi ko alam kung paano ko ipagtatapat sa Mommy ninyo, anak. I want them both to be alive," tugon nito. Kaso dahil wala naman silang kaalam-alam sa tinutukoy nito ay agad ding nagtanong si Hilary. "Ang alin po, Daddy? Aba'y simula yata nang dumating kayo rito sa mansion ay naging mahiwaga na ang ikinikilos mo. May hindi po ba kami nalalaman ng mga kapatid ko," aniya. NAKAINOM siya pero hindi lasing. Maliwanag pa naman ang kaniyang pag-iisip. Kaya't sa tinuran ng anak ay natahimik siya. "Daddy, aba'y natahimik ka na po. Mayroon po bang problema?" dinig niyang tanong muli ng anak. Mga anak niya ang nasa harapan at nagtatanong kung ano ang problema. Kaya't

