KABANATA 15: MASAMA ang mood ko sa araw na iyon. Kitang kita naman dahil nakasimangot ako maski ng makarating sa dining area. Oras na ng tanghalian at halos mapuno na naman ang tao sa kitchen at dining area. Kumuha ako ng pagkain at tahimik na umupo sa lamesa. As usual, kakain akong magisa. Nakaisang subo palang ako ng pumasok si Jacob at nagtama ang mata naming dalawa. Walang gana akong nagbaba ng tingin at tinuon ang pansin sa pagkain. I don’t know what’s with him. Kung ano bang plano niya ay hindi ko alam. Nasa punto parin ako na walang lakas ng loob na magtanong sa kanya kung ano ba kaming dalawa? Aminado naman ako na nagustuhan ko siya. Ang tanong ganoon din kaya siya? O masasaktan lang ako kasi pinapaasa lang niya? Baka naman wala