HINDI AKO SUMAGOT NOONG SINABI iyon ni Adrian. Hindi na rin naman niya inulit pero masasabi ko na pagkatapos no’n ay lagi na niya akong pinapadalhan ng mensahe. He’s even trying to call me most of the times, asking me out for dinner. Sinasamahan ko naman siya. Days turned fast, it turns into weeks and weeks into months. Hindi ko alam pero masasabi ko na sineryoso nga ni Adrian ang sinabi niya. Weeks after that night in Pangasinan, he courted me. And as time passes by, I must admit that I’m falling hardly in love with him. “Hey,” umupo sa damuhan si Adrian, sa tabi ko at iniabot sa akin ang isang coke-in-can. “I told you I want some beer.” Saad ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa Lake House at pinapanuod ang malayang paglipad ng mga alitaptap, napakaganda sa lugar na ito. Ang buwan at