Nagwawalis ng bakuran si Maxine ng magring ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito sa bulsa at sinagot ang tawag. Tinuro na ito sa kanya ng kanyang kuya Denver kaya alam na niya kung pano ito sagutin. Nagulat siya ng lumabas ang mukha ng kanyang Kuya Denver sa screen ng cellphone. Bumilis ang pintig ng kanyang puso ng muling masilayan ang mukha nito. " Maxine! Kumusta ka na? " nakangiting sabi nito. Maaliwalas ang mukha,napakagwapo pa rin nito kahit nasa cellphone lang. "Ok lang po Kuya, pero nakakapanibago po na wala kayo dito sa bahay. Saglit lang po at tatawagin ko sina Lola para makita mo rin po sila." sabi niya dito. At iniwan saglit ang phone para tawagin ang matatanda. Kakamot-kamot naman si Denver, ito lang sana ang gusto niyang makausap. Nagpapalatak naman si Jayson,