Naging maayos na ulit ang samahan nina Denver at Maxine. Hindi man katulad ng dati na may namamagitan sa kanila physical mas lalong lumalim ang pagmamahalan ng dalawa. Katulad ng naipangako ni Denver sa sarili ginawa niya ang panliligaw dito kahit sa cellphone lang at dumating nga ang panahong pinakahihintay niya ang muli nitong tanggapin ang pag ibig niya. Mahigit tatlong buwan bago muling tinanggap ni Maxine ang pag ibig ni Denver kaya naman masayang masaya ito ng sabihin niya ditong tinatanggap na niya itong muli. Miss na miss na rin kasi niya ito, lalo na ang kanilang ritwal ng pag ibig. Tinupad naman ang pangako ni Denver na hinding hindi na titingin pang muli sa iba. Si Maxine nalang pakamamahalin niya habang buhay. Masaya namang ibinalita ni Maxine na dinatnan na siya ng paunan

