* flashback * Nagising ang babaeng katalik ni Denver dahil sa ingay ng cellphone niya. May tumatawag kasi sa messenger ni Denver pero dahil yata sa matinding pagod at antok hindi nito iyon narinig. Hahayaan na sana ito ng babae pero patuloy sa pagtawag ang kung sino sa messenger nito. Nabadtrip ang babae. Padaskol na tumayo mula sa kama at kinuha ang cellphone sa bag ni Denver para sana tuluyang i-off ito ngunit na curious siya ng makita kung sino ang tumatawag. Babae ang tumatawag dito, tiningnan niya ang profile. Bata pa ang nasa picture pero hindi matatawaran ang ganda nito. Nacurious siyang at binuksan ang messenger nito. At natiyak niya na hindi basta kaibigan lang ang turingan ng dalawa. Nahinuha niya na girlfriend ito ng lalaking katalik. Umandar ang kapilyahan ng babae. Kinuha