Nagkagulo ang mga tao ng makita nila ang isang lalaking nabanggaan ng isang kotse. Matapos mabanggaan,ang itim na kotse ay mabilis na humarurot patakas.Tumilapon at nagpagulong gulong naman ang lalaki ngunit laking pasalamat nila ng mapansin nilang gumagalaw pa ito. Tumawag sila sa 911 para madala agad ang lalaki sa hospital ngunit kumilos ang lalaki. Nagpumilit itong umupo kahit duguan ang katawan nito. Linapitan ito ng isang lalaki. "Toy, wag ka munang kumilos. Hintayin natin ang 911, paparating na sila. Baka mas lalong lumala ang kalagayan mo kapag nagkikilos ka," nag aalala nitong sabi. "M-manong o-okey lang po ako, please w-wag ninyo po akong dalhin sa ospital," nahihirapang sabi ni Denver sa lalaki. Kailangang makaalis siya kaagad sa lugar na iyon, kailangan niyang iligtas si

