CHAPTER 58 3RD PERSON POV TULALANG ininom ni Dylan ang kaniyang red wine dahil muling naisip niya ang sinabi ni Matteo kanina. That was a confirmation ng lahat ng mga nalanghap niyang ebedensya at balita mula sa private detective niya. “Oh? Ba’t kanina ka pa d’yan nakatunganga?” tanong ni Bryan nang umupo ito sa harap niya. “Tapos ka na bang magsara ng restaurant?” “Katatapos lang kaya nga ako nandito, eh.” Marahang tumawa si Dylan pagkuwan ay sinalin niya muli sa kaniyang baso ang red wine. “Kamusta nga pala? Ang tagal mong di bumista sa restaurant ko. Balita ko, nabuking na raw kayo ni Cassy?” “May nag-leak ng information tungkol sa amin. Sigurado akong si Tita Linda ang may kagagawan no'n." “Dahil ba next week na eleksyon niyo? Paano ‘yon? Balik US ka na?” “Kailangan ko muna