CHAPTER 38 CASSY’S POV MARAHAS kong tinanggal sa kanilang mga kamay ang braso ko. “Sandali lang!” aniko nang itaas ko ang dalawang kamay ko pagkuwan ay nilanga ko silang dalawa. “Magkape na lang tayong tatlo,” sabi ko sa kanila ngunit sabay silang tumutol sa sinabi ko. “No!” “Hindi ako makikipagkape sa kaniya!” protesta ni Dylan habang nakatutok ang mata kay Yson. “No way I would do that also! Mas pipiliin ko pang magkape with you Cassy!” reklamo ni Yson kaya nagsalubong ang dalawa kong kilay pagkuwan ay tinaas-baba ko ang balikat. “Okay. Ako na lang magkakape mag-isa,” aniko saka nilisan ko sila. “T-Teka lang Cassy!” dinig kong sigaw ni Dylan nang sundan niya ako. “Sasama ako!” dinig kong wika ni Yson na dama kong sinundan niya rin ako. So ayon na nga ang ending, wala silang ma