Note: Reload your app or sign out and sign in para mag-reflect ang Chapter 35 sa inyo. Thank you! . . *** CHAPTER 36 CASSY'S POV Ilang segundo ang nakalipas bago pa niya nilayo ang mga labi niya sa akin, at ako naman itong halos maging semento at hindi makagalaw dahil sa kakaibang nararamdaman ko ngayon. Ilang sandali pa’y biglang lumakas ang hangin kaya bumalik ako sa huwisyo at muling nagsalita. “B-Bakit mo ginawa iyon?” “I’m just returning your kiss before,” seriyosong wika niya sa akin. Nanlaki ang mata ko at hindi ko siya makita nang diretsahan dahil sa kahihiyan. “Look at me, Cassy. What do you feel right now?” seryosong tanong niya sa akin kaya mabilis kong ininom ang tubig sa bottled water dahil sa kaba. “Shocks! Please stop this! Please don’t look at me like that!”