EPILOGUE 3RD PERSON POV MAKALIPAS NG ISANG ORAS matapos mag-ayos si Cassy saka ngayon ay huminto ang sasakyan niya sa tapat ng simbahan. Halong emosyon ang naramdaman niya. Masaya dahil ikakasal na siya kay Dylan at malungkot dahil hindi niya kasama ang mga magulang o pamilya niya sa araw mismo ng kaniyang kasal. Bumuntong hininga siya bago bumaba ng sasakyan. Pagkababa niya ay laking gulat nang makita ang presensya ng parents at kapatid niya. “Mom? Dad? Sheena?” Bigla siyang nilapitan ni Sheena at hinagkan pagkuwan ay humiwalay ng yakap ito sa kaniya. “OMG! You looked so beautiful with that wedding dress! Ang ganda talaga ng taste namin nina Ate Charlene. I am so amazed with Kuya Dylan’s plan! I didn’t expect that thi