Author's Note: Please reload your app (sign in and sign out) to read the previous chapter. CHAPTER 42 CASSY’S POV ISANG LINGGO na lang bago umalis si Dylan. Tinanggap ko na rin ang tantya kong huling commercial ko kasama siya. Matamlay akong naglakad papasok sa studio dahil sa lalim ng iniisip ko. Pumwesto ako katabi ni Dylan at biglang nilatag ng staff ang isang pinggang hotdog sa lamesa. Parang hindi na ako naging affected sa pagkain na ito dahil sa sobrang lungkot ko. Ilang sandali pa’y umiling ako. Kailangan kong tapusin ang commercial na ito sa kaniya. This is my last commercial with him kaya kailangan kong galingan. “Okay magsisimula na,” wika ni direk sa amin. “In three, two, one. Action!” dagdag niya. Kinuha ko ang tinidor at tinusok iyon sa hotdog. Pagkakuha ko ay ngitin