When they finally stepped out, he carried her inside the rest house, both wrapped in black bathrobes. Pagkabalik sa bedroom ay nakita niyang tulog pa rin si Thrynn. Napasimangot na lang siya sa inis at parang gusto na lang itong batuhin ng unan, dahil talagang hindi man lang nakamalay. Pinaupo naman siya ni Felix sa harap ng vanity mirror at pinunasan na nito ang buhok niya gamit ang towel. Natahimik na lang siya at hinayaan ito, pinanood na lang niya sa salamin ang bawat galaw nito. Pansin niya pa ang namumuong ngiti sa labi nito habang kasalukuyan nang sinusuklay nang marahan ang buhok niya matapos punasan. Kaya naman hindi na siya nakatiis pa at nagtanong na. “Ikaw ba ang lalaking 'yon?” Sa tanong niya ay napatingin naman ito sa kaniya sa salamin at nangunot na ang noo. “What do y

