“Gusto ko pa nga e, kaso ang hihina ninyong dalawa. Mas malakas pa sa inyo ang pagong.” Nawala naman ang ngisi ni Thrynn at bigla na lang siyang pinitik ng mahina sa noo. “Magpagaling ka muna bago mo sabihin 'yan.” Inirapan niya lang ito. Pero nang mapatingin siya kay Felix ay naroon pa rin ang ngisi nito habang nakatingin sa kaniya. Kaya naman pinukol niya na lang din ito ng masamang tingin. Alam na niya kung bakit siya nilalagnat ngayon. Siguro ay dahil sa paghagis sa kaniya sa dagat ng Felix na 'to at paulit-ulit na pag-angkin buong magdamag, inabot pa nga sila hanggang madaling araw. Parang gusto na lang niya tuloy itong isumbong kay Thrynn. Pero ano naman kaya ang magiging reaksyon nitong si Thrynn kapag nalaman nito na naisahan ito ng pinagkakatiwalaan na kaibigan? No. Hindi niy

