“Hay naku,” Thrynn sighed. “Oh ito na lang munang chicken barbecue ang kainin mo.” Inabutan na siya nito ng isang stick ng hita ng manok. Pero nakanguso naman siyang umiling na parang bata. “Ayoko niyan, Thrynn ko. I want squid—squid—squid—squid.” “Wala pa ngang luto, asawa ko. Hindi ko naman 'to puwedeng paliyabin agad at baka masunog pa, mas lalong hindi mo makakain.” “Come here,” agad na aya ni Felix mula sa kabila. “Dito ka sa akin, may mga luto na akong pusit.” Parang nagliwanag naman ang mukha niya at bago pa siya mapigilan ni Thrynn ay mabilis na siyang tumalon pababa mula sa likod nito. “Hey,” sita pa nito sa kaniya at huhulihin pa sana siya sa braso para ibalik. Pero tuluyan na siyang nakatakbo kay Felix at tumalon paakyat sa likod nito. Sumilay na lang ang ngiti ni Felix at

