“No,” Thrynn insisted just as firmly. “Mas gusto kong ako ang mauna sa kaniya.” Nagkatinginan na ang mga ito. Ang kalmadong mukha ni Thaddeus ay unti-unti nang sumeryoso at nangunot na ang noo na para bang hindi agad nagustuhan ang pagpumilit ng kaibigan. Sumeryoso rin si Thrynn, pero saglit lang at sumilay na lang bigla ang pekeng ngiti. “Ang mas mabuti pa ay papiliin na lang natin si bunso kung sino ba talaga ang gusto niyang unahin sa atin dalawa.” Doon ay umarko na ang isang kilay ni Thaddeus, then smirking with quiet challenge. “Alright. Just don’t cry when she doesn’t pick you.” Ngumisi lang si Thrynn. Napabalik na ang tingin sa kaniya ang mga ito. Napalunok naman siya at nagpalipat-palit pa ang tingin sa dalawang mukha na pareho nang nakangiti sa kaniya, klase ng ngiti na para

