Felix didn’t even hesitate. “Of course I do. Always.” “Oh my God, Rox!” pagtili na ng mga kaibigan niya at nagawa pa siyang hampasin muli sa braso ni Jaya at Lea na kamuntikan nang ikahulog ng hawak niyang champagne glass. “Tsk,” asik niya lang na umirap pa sa kaniya at muli na naman nagsalin ng champagne. Ngunit bago pa niya maangat ang glass para inumin ay bigla na lang may mabilis na pumigil sa pulsuhan niya. “Stop drinking,” he said. Pag-angat niya ng tingin ay mukha na ni Thaddeus ang bumungad sa kaniya. “Let's dance, baby,” aya na nito sa kaniya at naglahad na ng kamay kasabay ng pagngiti, klase ng ngiti na akala mo'y walang kasalanan sa kaniya. Kaya naman imbes na matuwa ay inis na niyang pinksi ang kamay nito. “No, ayokong makasayaw ka!” Parang nabigla naman ito, pati na rin

