Nakaramdam naman siya ng inis sa klase ng ngisi nito, pero iniwas na lang niya ang tingin at inumpisahan na lang kumain. “Ano pala ang nangyari sa 'yo kagabi at umuwi ka agad nang hindi man lang nagpapaalam?” Zayden asked calmly. “Hanap nang hanap sa 'yo ang mga kaibigan mo pero wala ka na.” Sa narinig ay parang nagulat siya nang maalala ang mga kaibigan niya. “Saan na po pala sila, Kuya? Nakauwi na po ba?” “Oo,” Theron replied with a low chuckle. “Ako mismo ang naghatid sa kanila pauwi. Ang kukulit din ng mga 'yon, akalain mong pinaghahalikan pa ako. Punong-puno ng kiss mark ang pisngi ko kagabi pati leeg.” Natawa na lang siya. “Pagpasensyahan mo na po, kuya, gano'n lang talaga ang mga 'yon. Salamat at hinatid mo pa rin sila. I wasn’t feeling well last night, that’s why I let Kuya Fel

