Tawang-tawa na siya habang nagpupumiglas. “Stop it, kuya! Stop—naiihi ako! Sige ka, iihian ko 'tong swimming pool!” Ngunit hindi pa rin siya tinantanan ni Theron at mas lalo lang siya nitong kiniliti. Napailing-iling na lang si Zayden sa kanila at tumingin lang ito sa hawak na phone, dahil busy ito sa ka-text. Habang si Draven naman ay napaasik lang at hinayaan lang din sila. Pero hindi na nakatiis pa si Thaddeus at napatayo na ito. “Theron, stop it!” Tumayo na rin si Thrynn at mabilis na humakbang. Pero bago pa makalapit ang mga ito ay binuhat na siya ni Theron sabay ngisi nito. “Oo na, titigilan ko ang prinsesa ninyo. Heto oh, inyo na!” Nanlaki na lang ang mga mata ni Roxy sa paghagis sa kaniya at malakas na napatili. Muli siyang bumagsak ng malakas sa loob ng swimming pool at ag

