NAGISING si Roxy kinabukasan dahil sa pagkiliti sa pisngi niya ni Theron gamit ang balahibo ng ibon na pinasok pa sa kaniyang tainga para mas lalo siyang makiliti. “Gising na, lasinggera,” bulong pa nito sa kaniya at hindi siya tinantanan sa pagkiliti kahit panay tabig na niya sa kamay nito. “Kuya naman eh!” galit niyang sigaw na napasipa na lang sa inis at napabangon kahit inaantok pa. “Ano po bang problema mo at palagi mo na lang binubulabog ang tulog ko!” “Aba't—” Pinanlisikan siya nito ng mata at pinitik sa noo gamit ang daliri. “Hoy. Alam mo bang galit na galit si Thaddeus kagabi kasi hindi kayo dumating ni Thrynn? Hindi tuloy natuloy ang wedding announcement niya sa atin. Pati si Natalie parang nagtampo na, umalis na kagabi at hindi na nakabalik magpahanggang ngayon.” She frowned

