“HANGGANG kailan ninyo balak itago kay Jhyne na hindi n’yo siya tunay na anak? Hindi n’yo ba alam na baka dahil sa kanya ay tayong nakagisnan niyang pamilya ang balikan ng pamilya ni Saavedra?” may pag-aalalang tanong ni Aling Azon, ang nanay ni Jade. “Hangga’t maaari, hindi na namin iyan ipapaalam sa kanya dahil simula pa noong baby siya ay kami—tayo ang nakagisnan niyang pamilya. Hindi ko man siya dinala sa aking sinapupunan ay hindi naging sagabal iyon para hindi namin siya mahalin nang higit pa sa tunay na anak,” tugon naman ni Aling Azma, ang nakagisnang ina ni Jhyne. “Iyan nga ang pinupunto namin ni Azon. Dahil sa tapang niya na namana niya sa tunay niyang magulang ay hindi niya pinatawad ang hayup na iyon. Tama ang ginawa niya na ipagtanggol ang pamangkin mo, Azon, at ngayon ay na