“PLEASE do your best to save my son,” pagmamakaawa ni Rey sa mga nurse matapos mailapag sa stretcher si Clyde na basang-basa sa tubig-ulan matapos bumagsak sa mismong harap ng puntod ng asawa na kalilibing lamang. “Yes, we will, Mr. De Luna. Kami na po ang bahala sa kanya,” tugon naman ng isang nurse at itinulak na patungong emergency room ang stretcher ng pasyenteng walang-malay. Sumunod naman ang mag-asawa sa mga ito pero nasa tapat na sila ng emergency room ay muli silang hinarap ng mga nurse. “Hanggang dito na lamang po kayo, Ma’am, Sir. Bawal po ang pumasok sa loob.” “Please, Miss,” pagmakaawa pa ni Dennise na gustong pumasok sa loob. “I’m sorry, Ma’am, pero hindi talaga puwede. Just wait for us here.” Hindi na tumugon ang ginang bagkus ay yumakap na lang sa asawa na basang-bas