CHAPTER 44: Story ALLIZA RENA'S P.O.V "Sir pinatawag n'yo raw ako?" agad na tanong ko kay Sir Midnight pagkapasok ko sa opisina niya. Nakita ko namang nasa loob din ng opisina niya sila Casimira at Dmitri at halatang may pinag-uusapan sila. "Choconilla, you're here!" Casimira smiled at me. "Alliza, come..." sabi ni Sir Midnight sa akin saka ito sumenyas na tumabi ako sa couch na inuupuan niya habang nasa harapan namin nakaupo si Casimira at nakatayo naman si Dmitri sa gilid ni Casimira. "Bakit n'yo pala ako pinapunta sa opisina n'yo, Sir? May mahalaga ba kayong sasabihin sa akin?" tanong ko kaagad kay Sir Midnight. Nagulat naman ako ng ilapag ni Dmitri sa harapan ko sa lamesita ang isang passport at visa. At nang buklatin ko ang passport at tingnan ang visa ay pangalan ko ang nakala