CHAPTER 33: Worried CAIUS MIDNIGHT'S P.O.V "Ito naman iyong report for this month's sales. Pumunta rin ako sa production team kanina at may bago na naman silang invention para sa new model ng smartphone ng VS tech." paliwanag ni Dmitri sa akin. "Okay, I will visit the production team tomorrow morning so that I can decide if we can release the brand new models," I answered. "Sure. Ilalagay ko na lang sa schedule chart mo mamaya kung anong meeting ang kailangan mong attendan kapag tapos ka na pumunta sa production team para maasikaso na natin ang ibang clients." sabi ni Dmitri at tumango na lang ako. Napahawak naman ako ng mariin sa ulo ko dahil kanina pa ako nakakaramdam ng pagkirot ng ulo ko. Tatlong araw na rin kasi akong nananatili sa opisina ko at nag message na ako kay Manang Nora