CHAPTER 55: Missing THIRD PERSON'S P.O.V Nang matapos ang rituwal na ginawa ulit nila Duncan at Eleazar sa katawan ni Alliza ay mataman namang naghihintay si Celeste. Habang kagat-kagat nito ang kuko sa hinlalaki nito ay nababahala ang babaeng vampire maid na hindi umepekto ang lason na pinainom niya kay Alliza, at baka muli itong mabuhay. Hinihiling kasi ni Celeste na huwag ng mabuhay pa ulit si Alliza dahil masisira lahat ng pinaghirapan niyang planuhin para makuha at maakit ang loob ni Midnight. Kaya naman ang ginawa ni Celeste ay hinintay niya munang umalis ang mga taong bantay sa silid ni Alliza at na madaling-araw. Kaya naman ng matapos asikasuhin ni Celeste ang mga natira niyang trabaho ay kinuha niya ulit ang natirang poison potion sa kwarto niya. At matapos no'n ay maya't-ma