Layla P.O.V Pagkatapos nang ilang araw, pumasok ako sa Caffe. Ilang araw din akong hindi pumasok. Ang sabi ni Arwel susunduin niya raw ako para sa resto na ako kakain. Sinabi ko na sa kaniya na hindi puwede pero sadyang makulit talaga. Ayaw papigil. Kaya ngayon pinagtitinginan ako ng dalawa, si Chin at Belle. May kung anong ngiti ang sumilay sa labi ng dalawa. Alam kong inaasar na naman ako ng dalawa. Alam na rin nila kami na ni Arwel. Nang sinabi ko 'yon halos mapalundag lundag pa si Belle sa tuwa. Kinurot naman ni Chin ang tagiliran ni Belle. Hindi ko alam sa kanila kung natutuwa or kinikilig. Basta't usapang Arwel ay kinikilig sila. "Ayusin niyo nga ang trabaho niyo!" bigla na lang sumulpot sa aming harapan si Boss Trajis. Natawa naman ako sa reaksyon ni Belle. Hindi alam kung saan