Christian Hiro POV... N-NO! Pumunta ako sa ibang oras.. Nasa hapag kainan na ko. Nakita ko siyang pumunta sa kusina at nagluto siya dun ng paborito kong pagkain. Kahit nagmamadali na siya kahit natatamaan na siya ng mantika. Tinitiis niya ang sakit hanggang sa matapos at pinadala na saakin ang pagkain na ginawa niya. Ng biglang nakaisip ako nun ng laro para sa mga tao sa paligid ko. "Hmmm... may bugtong ako dapat masagot niyo ito. Pagbinili itim, pag ginamit pula, pag itatapon nagiging kulay abo. Ano ito?" Sabi ko. At di makasagot ang mga nasa paligid ko. "Kung masagot niyo iyon may premyo kayo." Sabi ko. Wala pading nakasagot. Nang dumating na yung pagkain na hinihintay ko. "Okey, sa susunod niyo nalang yun sagutin." Sabi ko. "Hmm... ang sarap. Sino ang gumawa neto?" Tanong ko. Big