Chapter 11: Threats Jaymie. Maaga akong nagising kinabukasan at agad na naligo. Ngayon na namin isasagawa 'yong mission. And as usual, I wear my black and skyblue outfit. Sinuot ko rin 'yung kwintas na binigay sa akin ni Mom at lumabas ng kwarto dala ang aking backpack na hinanda ko kagabi. Pagkarating ko sa sala ay nadatnan ko si Julia na natutulog sa sofa habang humihilik pa. She's not really a morning person. "You're awake," saad ni Maine na kakagaling sa kusina. She handed me a glass of milk. Agad ko itong ininom at umupo sa sofa. "It's still 4:16 am. We're too early. Tsk! Wawa naman ng isang 'to." Saad niya habang nakatingin kay Julia na tulog pa rin. Ininom ko 'yung gatas na natitira sa baso at umupo ng nakahilata sa sofa. Nakatingala ako habang nag-iisip ng kung anu-ano. But