Chapter 04: Alice (The Sorcerer)
Julia.
Kasalukuyan naming nilalakad yung nakita kong falls kanina. There's something really weird in there and I don't know what is it.
Tinutulungan narin ni Jiro si Marky na alalayan si Jaymie dahil hanggang ngayon nanghihina at namumutla parin ang mukha niya. I'm really curious kung ano ang panlason na ginamit sa kanya no'ng matandang babae kasi sa aming anim ay siya ang pinakamalakas at hindi basta basta matatablan ng kung ano ano. But, one thing that I'm really sure, it's not an ordinary spell.
Kailangan pa naming hawiin ang mga sanga na madadaanan namin bago makarating do'n sa nakita kong falls. Wala kaming nadatnan na kahit isang tao dito, kung ganoon.. anong meron sa lugar na to? Bakit kami nakaramdam ng pressure dito? Naguguluhan na ako.
"Guys, look!" Sabi ni Hence sabay turo do'n sa ibabaw ng falls. Teka ano 'yon? Bakit parang may gumagalaw na something do'n sa part na 'yon? Omygosh! Si Alice!
"Julia, ano 'yung nandoon?" Tanong ni Maine. Agad naman akong sumagot. "S-si Alice, may nakatali sa kanyang lubid at may nakatakip na tape sa kanyang bibig tapos... omygosh, ano 'yon?! B-bomba?! May bomba ring nakakabit sa katawan niya!" Napatakip agad ako ng aking bibig matapos kong sabihin 'yon.
"Me and Marky will teleport kaya kumapit kayo sa amin," Sabi ni Jiro. Hinawakan naman ni Maine at Hence ang magkabilang braso ni Jiro at ako naman ay humawak rin sa braso ni Marky at si Marky naman ay naka-alalay sa bewang ni Jaymie kasi parang anytime ay matutumba siya sa lupa o mag collapse.
Nang makarating kami sa itaas ay agad akong lumapit kay Alice. Ngunit bago pa man ako makalapit sa kanya ay napa-atras ako ng bigla nalang nagliyab ang paligid. "A-anong nangyayari?" Tanong ko.
"Julia!" Napahiyaw ako nang bigla nalang akong nahila ng isang lubid at napatiwarik sa ere. Omygod! Feeling ko uma-akyat na lahat ng dugo ko sa katawan sa mukha ko. Napatigil ako ng may marinig akong isang nakakakilabot na tawa. Shet, parang mangkukulam.
"Ikaw! Ikaw siguro 'yung nagbigay ng lason kay Jaymie 'no?! Walangya ka!!" Galit na saad ni Maine.
"Oo, ako nga, iha. Bwahahaha!" Sabi no'ng matanda. Tsk, mabilaukan ka sana.
Napatawa ako ng mahina kahit ang sakit sakit na ng katawan ko nang mabilaukan nga siya. Hahaha, karma is real. Pero shet! Ang sakit na talaga ng katawan ko dahil hindi parin ako nakababa dito. Aiysh!
"Pakawalan mo na si Alice at Julia kung ayaw mong gumamit kami ng pwersa para saktan ka," Pagbabanta sa kanya ni Maine. Ngunit parang hindi ito narinig ng matanda at imbes na matakot ay ngumisi pa ito ng nakakakilabot.
"Hahaha, pano kung ayaw ko? May magagawa ka ba?" Nakangising sambit no'ng matanda. Inis na ginulo ni Maine ang buhok niya habang tinitingnan ng masama yung matanda. Kapag ako talaga nakawala dito, sisiguraduhin kong mauubos yung buhok niya! Argh! Kainis!
"Sige na, lola. Pakawalan niyo na po silang dalawa at ibigay niyo na ang panlunas sa sakit ni Jaymie. Aalis kami dito, pramis! At para wala na ring mangyayaring g**o, kasi ayaw po namin ng g**o at para maka-uwi na po kami sa amin ng maaga." Pagmamaka-awa ni Hence. Darn! Ang bagay sa matandang 'yan ay tustahin, hindi galangin!
"Sa tingin mo ba papayag ako sa gusto mong mangyari? Ang swerte niyo naman ata kung susundin ko ang gusto niyo," Parang dismayadong saad nung matanda ngunit hindi parin maaalis ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi. I badly want to disappear that annoying smirk of this old hag's face!
"Kung ayaw mo, edi, no choice." Sabi ni Maine at inatake yung matanda. Ganoon rin ang ginawa ni Jiro at hence habang si Marky ay binabantayan si Jaymie. Nanlaki nalang bigla ang mga mata ko nang may nakita akong isang dagger na papalapit sa pwesto ko kaya napapikit nalang ako. Ngunit mas nagulat ako nang dumeretso ito sa lubid na nasa paanan ko kaya naputol ito. Ang buong akala ko ay babagsak ako ng tuluyan sa lupa ngunit laking pasasalamat ko nang masalo ako ni Hence.
"Salamat, Hence." Sabi ko. Tanging isang malapad na ngiti lang ang naisagot niya sa akin kaya binalingan ko ng tingin 'yung matanda. Humanda ka sakin ngayon!
Agad akong lumapit do'n sa lugar kung saan pinagtutulungan nila Maine at Jiro na patumbahin yung matanda at nagpalabas ng mga ice bombs sa mga palad ko. Nakita ko naman na naging ice ang kanang balikat niya kaya hindi na niya ito masyadong maigalaw. Nakita ko rin si Hence na kinalag 'yung tali ni Alice at tinanggal ang tape na nakalagay sa bibig niya.
Sinubukan naman ni Maine na kunin ang hangin ang loob ng katawan nung matanda ngunit nagulat nalang kami ng bigla itong nagpalabas ng isang itim na inerhiya at sunod sunod na inatake sa amin. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi namin namalayan na papalapit na ito sa direksyon namin. Ngunit mas nagulat kami nang bigla nalang itong huminto sa ere, halos 5 inches nalang ang layo no'ng itim na inerhiya sa mukha naming tatlo at ramdam ko rin ang paghinto ng t***k ng puso ko dahil sa kaba at takot na baka tumama sa amin 'yung itim na inerhiya.
"Don't you dare hurt them, old hag." Saad ng isang napakalamig na boses na siyang ikinatayo ng mga balahibo ko. Parang napako ako dito sa kinatatayuan ko ng marinig ko 'yon. Sh*t! S-si J-jaymie. Patay, galit na siya. Waah! Dora, ipasok mo na ako sa bag mo, NOW NA! Huhuhu.
"Ano naman ngayon kung sasaktan ko sila? Bwahaha, sa tingin mo ba matatakot mo ako, ha? Eh, tinablan ka nga ng lason eh, ang kalabanin pa kaya ako? Bwahaha!" Patay talaga 'tong matandang to kay Jaymie.
"Don't underestimated me, old ugly woman." Cold paring saad ni Jaymie. Her cold voice can really give us a goosebumps.
"Kaya mo ba? Eh nanghihina ka pa nga hanggang ngayon eh, bwahaha!" Sarap kitilin ng vocal chords nitong matandang to.
Dahan dahang lumapit si Jaymie sa pwesto namin. Habang si Marky naman ay nakahawak sa braso niya. Letche! Ako tong kinakabahan dito sa matandang to eh! Walang emosyon si Jaymie na tumitig sa matanda. Kapag ganyan talaga siya, hindi ko mapigilang matakot. Hindi mo kasi alam kung ano na ang mga ini-isip niya sa oras na ganyan siya, at tsaka hindi mo rin malalaman kung ano ang kaya niyang gawin.
"Scared?" Nanayo pa lalo ang balahibo ko nang mgumisi si Jaymie. Gosh! Bumalik ulit sa pagiging seryoso ang mukha ni Jaymie at nilalaro-laro ang daliri niya. Maya maya pa ay may lumabas na apoy sa index finger niya patungo do'n sa matanda. Sobrang bilis ng pangyayari at nagulantang nalang kami nang sumigaw na ang matanda dahil nasusunog na ang balat nito hanggang sa naging abo. Shet! Parang wala lang nga yung atakeng 'yon kay Jaymie eh, bale 1% lang 'yon, pano pa kaya kung 100% na? Shet! Hindi ko alam ang mangyayari pero sinisigurado kong hindi ako magpapakita sa kanya kung magkataon.
"Tsk, weak." Walang ganang saad ni Jaymie. Lumapit naman kami do'n sa pwesto kung nasaan si Alice at Hence. Nakita kong pinapa-inom ni Hence ng tubig yung si Alice na siyang nagpapangiti sa akin. I really love his kindness and taking care of other people surrounded him. It's one of his best side.
"Okay ka na ba, iha?" Tanong ni Alice kay Jaymie. Sasagot na sana siya ngunit inunahan na siya ni Marky.
"Her condition is not yet fine. Do you have any cure to ease her pain?" Sabi ni Marky kay Alice. Nakita naman naming tumango si Alice at tumayo.
"Oo, meron akong panlunas pero nasa bahay ko, iho. Malayo-layo 'yon dito." Alice said.
"It's okay. We can teleport," Sabi ni Jiro. Agad naman akong kumapit sa braso ni Jiro kasi siya ang malapit sa akin habang si hence ay hawak rin sa braso si Jiro ngunit hawak niya rin si Alice at kay Marky naman sina Jaymie at Maine.
Sa isang iglap lang ay nasa tapat na kami ng bahay ni Alice. Binuksan naman ni Alice ang pintuan at pumasok sa loob kaya sumunod kami sa kanya.
"Maupo muna kayo, mga iho at iha." Alok ni Alice. Agad naman kaming umupo at huminga ng malalim. Hays. "kukunin ko lang muna 'yung panlunas." dagdag pa niya at pumunta sa kung saan. Hindi nagtagal ay dumating rin si Alice at may dalang isang baso na may lamang pulang likido. Err~ para siyang dugo kung tingnan. Ano kaya 'yon?
"Galing 'yan sa pinaghalo-halo kong halamang gamot no'ng araw bago ako napadpad do'n sa falls kanina dahil lang sa masamang nilalang, kapag ininom mo 'yan iha, mawawala na ang sakit sa tiyan mo at babalik ka na rin sa dati." Alice. Ininom naman ni Jaymie 'yung laman ng baso at nakita namin ang pagbalik sa tunay na kulay ng mukha niya, her face is now back to normal.
"Dito muna kayo magpalipas ng gabi, tutal magdidilim na rin sa labas." sabi ni Alice. Huh? Napatingin ako sa labas ng bintana niya at do'n ko nakita ang unti-unting pagtago ng araw. Ang bilis pala talaga ng oras.
"Uhm, wait. we are here because we we're sent by a mission that Queen assigned us, and that is to find this two person and bring them to magic world, and one of the person is you. Are you willing to accept our invitation?" Maine. Bahagyang kumunot ang noo ni Alice ngunit agad itong napalitan ng isang mapagtanong na ekspresyon sa kanyang mukha.
"P-pinapahanap ako ng R-reyna niyo?" Tanong niya. Tumango naman kami bilang sagot.
"I don't know what she exactly needed to you and the other one but I'm sure that she's up to something special because our Queen and King is only giving attention to important things." Jiro said.
"Just tell us if you already accept our invitation, we won't force you but we really need to bring you and the other one to our world." Sabi ko.
"Are you going?" Jiro asked.
>>>
"This portal will lead you to the magic world and don't worry because there are tons of people working in the palace will welcome you and lead you to the Queen And King, and also... one more thing before you enter... thank you for accepting our invitation." Sabi ni Maine. Pumasok naman si Alice do'n sa portal kaya bumalik kami ulit do'n sa loob ng bahay para asikasuhin ang mga gamit namin. Pumayag kasi si Alice na pumunta sa mundo namin kaya si Emmanuel nalang ang hahanapin namin.
"Let's go," Sabi ni Marky kaya lumabas na kami ng bahay ni Alice at naglakad sa gilid ng kalsada dito sa probinsya. 5:35 palang ng umaga, tulog pa ang mga tao ngayon pero heto kami, umagang umaga naglalakad dito sa isang madilim na eskinita para hanapin si Emmanuel. Hays! Sana mahanap namin kaagad si Emmanuel para hindi na kami mahirapan pa.
***