Naramdaman ko ang paglutang ko. Tila ako nakalutang sa hangin. Hindi ko alam kung saan papunta ang katawan ko. Wala akong lakas para gumalaw. Ni hindi ko magawang idilat kahit iyong isang mata ko lang. May mga boses akong naririnig. Marami sila. Pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Para silang mga alien na ni isang salita ay wala akong naiintindihan man lang. Pero halata ang pagmamadali sa mga boses nila. Alam ko iyon. Pero kung bakit, hindi ko alam ang sagot. Pinilit kong gumalaw. Pero ni isang daliri sa aking katawan ay hindi ko nagawang pagalawin. Binabangungot ba ako? Ano'ng nangyayari? Nagtangka akong magdilat ng mga mata. Pero para namang may mga bakal na nakadagan sa mga mata ko at hindi ko sila mabuksan. Mabilis ang ginawa kong paghinga. Tila nagsisikip ang dibd