Pagkatapos ng dinner, dito naman kami pumwesto sa labas ng penthouse. May katamtamang laki ng swimming pool dito si Jett. Dalawang mesa kami. Iyong isa ay kaming tatlo nila Tita Clover at Hyacinth. Samantalang sa kabilang mesa naman ay ang mga asawa nila at si Jett. Umiinom sila ng alak. Habang may kasamang kasambahay ang mga Madrigal na nagluluto ng barbeque, na siyang ginagawang pulutan ng mga lalaki. Habang kami ay nagkakasya na lang sa pagpapak nun, katerno ng fruit juice na sariling gawa ni Tita Clover. "Athena, nalungkot naman ako na aalis ka ulit," out of nowhere ay sabi ni Tita Clover. "May... may mga naiwan po kasi akong trabaho dahil biglaan ang pag-uwi ko dito," iyon na lang ang naisip kong sabihin. "Paano na kayo ni Jett?" malungkot na tanong ni Tita Clover. Dahil sa pagkak