Ding dong! Ding dong! “Oh? Ang bilis naman yata ng inorder ating pagkain, anak. Parang kakatawag ko lang, ah! Ang sabi nung kausap ko, thirty to forty minutes pa. Sabagay, at least, makakakain na agad si Mama, para ikaw naman ang bubusugin ko.” Tumayo na ako mula sa sofa habang karga si Amira, at naglakad papunta sa pintuan. Wala talaga akong ganang kumain dahil sa natuklasan kong kataksilan sa akin nila Jett at Pamela, pero kailangan kong lamnan ang sikmura ko para may makuhang gatas sa akin si Amira. Isa pang problema ko ay wala akong damit na pamalit kay Amira. Mamaya ko na siguro iyon problemahin. Pagbukas ko ng pintuan, nagulat ako sa taong nasa labas. Habang ako ay hindi alam kung paano siya haharapin, siya naman ay ngiti agad ang ipinambungad sa akin. “Hyacinth.” “Tama nga