Calling Trish Vergara… [“Hello, Mam?”] “Trish, kumusta diyan? Wala namang problema?” [“Okay lang dito, Mam. mag-relax ka lang diyan nsa room mo. Take your time… magi-inform naman ako agad kapag may problema. Isa pa, nandito naman si Jett. Inikot na niya iyong mga contact niyang partners natin for tonight. Mukhang all is well.”] Nahinto ako sa paglalagay ng blush on sa pisngi ko. Nandoon si Jett? BIglang may inis na bumangon sa dibdib ko, “At bakit naman niya ginagawa ‘yun? In the first place, he’s no longer part of the team.” [“Eh, Mam… tinatapos lang po niya siguro ‘yung naumpisahan niya. Kasi, somehow, part pa naman po siya dati nung nasa planning stage po ang Lingap Pag-ibig. Sorry po, Mam sa nasabi ko…”] Marahas akong bumuntonghininga. “Kahit pa, Trish. Ikaw na nga ang maysab