"Bal!" Nilingon ko si Josh.. "Ikaw na ang sumundo kay Blaire. Hihintayin ko na lang kayo sa parking." "Himala! Ipinaubaya sa akin si Hyacinth. Nagtatampo ka pa rin ba kay Hyacinth dahil hindi niya sinabing dito rin siya papasok sa St. Andrew's?" "Tsk!" masungit na sagot ng kakambal ko, pero sanay na ako sa ganitong ugali ng kakambal ko. "Ayaw mo siyang dito rin mag-aral, ano… kasi hindi ka makakaporma sa ibang chicks…" pang-aasar ko sa kanya. "G*g*!" Tinawanan ko lang si Josh. Kahit ano namang pang-aasar ko sa kanya, hindi naman kami nag-aaway na dalawa kahit noong mga bata pa kami. "Sige na. Susunduin ko na ang baby mo." Nasa kabilang building ang mga freshman. Hindi naman iyon kalayuan dito sa building ng mga sophomore. "Si Josh ba 'yan?" "Hindi. Si Jett 'yan. Suplado 'yun
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books