Kakatapos ko lang kumuha ng pagkain sa buffet table. Hawak ko ang isang malaking plato ko kanang kamay, at isang maliit na plato na may lamang vegetable salad sa kabilang kamay. Luminga ako sa gawing kanan nitong function room, para mabistahan ko kung saan ako pwedeng maupo doon. Nahagip ko ng tingin si Pamela at Claire isang mesang doon. Nakita kong may ibinulong si Pamela kay Claire. Nagbaling na agad ako ng tingin sa kabilang side. Para kasing pumapangit ang araw ko, kapag may interaction ako sa kanilang dalawa. Paglingon ko sa kabila, nakita ko sa isang mesa ang team ko. Magkakasama sila doon. Tipid akong napangiti. Mas mabuti pang maki-table na lang ako sa kanila. Akmang maglalakad na ako nang may tumabi sa akin. Nakita ko si Claire/ "Why?" tanong ko sa kanya. "Sabi ni Pami