Chapter 2

1105 Words
3rd Person POV   “Sir Valentino, you have to check this out. Your father made an announcement on television about something,” wika ng secretary niya saka pinindut ang remote ng TV. Napaupo si Valentino sa sofa nang marinig niya ang anunsyo.   “The Billionaire’s Last Heir? What is he up to?” tanong nito sa kaniyang sarili dahil hindi niya naabutan ang buong pahayag.   Lumapit sa kaniya si Secretary Joan at saka nagsalita.   “Hinahanap ni Don Mariano kung sinong babae ang naanakan mo, Sir Valentino,” sagot nito na halatang pinipigilan ang tawa.   Matagal nang gusto ni Don Mariano na magkaro’n ng apo dahil nag-iisang anak niya lang si Valentino. Bilang na rin ang mga araw niya kaya nais niyang makasama ang apo bago man lang mamaalam sa mundo. Ilang beses niyang kinausap si Valentino na maghanap ng babaeng mapapangasawa nito ngunit tinanggihan iyon dahil nag-focus ito sa kompanya nila.   Simula no’ng naging CEO si Valentino Clemente ay nawalan na siya ng oras sa pag-ibig. Mas binigyan niya ng halaga ang negosyo kaysa makipaglandian sa iba. Nagsawa na rin siya mambabae kaya tinigil na niya iyon dalawang taon na ang nakalipas.   Malakas na hinigop ni Valentino ang kaniyang kape matapos marinig ang sinabi ni Secretary Joan. Ilang sandal lang ay nilapag niya sa mesa ang mug at tumayo ito mula sa kinauupuan niya. “Kailangan ko makausap si dad.”   Napatingala si Secretary Joan sa kaniya. “B-but you soon have a meeting with board of directors, Sir.”   Tinaas ni Valentino ang kaniyang kanang kamay upang pahintuin ang secretary niya.   “Kindly told them that I have an emergency. Paki-cancel na lang, Miss Joan,” aniya at saka nilisan ang opisina kaya agad naman na sinundan ni Joan ang kaniyang boss sa labas.   Pagbaba ng elevator sa main floor at pagbukas nito ay nahawi ang mga nagkukumpulang empleyado sa harap niya.   “Good morning, Sir Valentino,” sabay na pagbati nila sa kaniya. Tumango lang ito at naglakad patungong main entrance ng building kasama ang mga bodyguards at ang secretary.   Paglabas nila ng building ay kaagad na sinalubong siya ng mga journalist.   “Is it true, Sir Valentino that you were a womanizer before?” tanong ng isang lalaking journalist habang nakatutok sa bibig ni Valentino ang mikropono.   Tinanggal niya ang kaniyang dekolor na salamin sa kaniyang mata at binigyan niya ng mapait na ngiti ang lalaking journalist.   “Why? Do you want me to coach you?” Hindi makasagot ang journalist kaya naman nilayo siya nito ng mga bodyguards ni Valentino.   Pagdating ng Mercedes-Benz ay kaagad na pumasok si Valentino sa loob ng sasakyan.   “Let’s go to dad,”malamig na wika niya sa driver at muling sinuot ang dekolor niyang salamin.   Pagdating nila sa mansion ay marahas na lumabas ng sasakyan si Valentino at kunot-noong naglakad ito patungong home office ng kaniyang ama. Nang binuksan niya ang pinto ng opisina ay kagyat na pumasok ito.   Nakita ni Valentino ang likod ng kaniyang ama dahil nakatitig ito sa malaking bintana ng kuwarto.   “You think that was funny?!” protesta niya kay Don Mariano.   Mahinay na humarap ang kaniyang ama.   “That’s the only way to get what I want, son. Since ayaw mo mag-asawa, nagbakasakali ako na siguro may naging anak ka sa mga babaeng nagalaw mo. Nanghihinayang ako sa lahi natin.”   Lumapit ito sa kaniya at masayang niyakap si Valentino.     “I am so proud of you, son! Makakahinga na rin ako sa wakas,”ngiting wika nito sa kaniya.   Naguguluhan si Valentino sa sinabi ng kaniyang ama.   “What do you mean, dad?” tanong nito.   Humiwalay ng yakap si Don Mariano at hinarap ang nag-iisa niyang anak.   “I thought you we’re a gay kaya ayaw mo makipag-date sa mga babae,” natatawang sagot nito sa kaniya.   Nanalaki ang mga mata si Valentino. How come this old man think that he is a gay? Sabagay, hindi nasubaybayan ni Don Mariano ang buhay niya noon dahil mas inuna ng kaniyang ama ang negosyo kaysa ang pamilya. Maaga din namatay ang kaniyang ina dahil sa chronic heart disease kaya walang nakakaalam na isa siyang dakilang babaero maliban na lang sa mga nakakakilala sa kaniya. He doesn’t have any friends, only acquaintances kaya boring din ang buhay niya noon.    Masaya na si Valentino ngayon dahil walang siyang iniisip kundi ang palaguin ang negosyo. Simula nang hinawakan niya ang mataas na posisyon sa kompanya ay mas lalong lumawak ang isip niya at mas naging mature siya sa lahat ng bagay.   “Look, dad. Puwede po bang tigilan mo na ang walang kuwentang advertisement na iyon?” pakiusap ni Valentino.   Nagsalubong ang makapal na mga kilay ni Don Mariano dahil sa sinabi ni Valentino.   “Sa tingin mo ba naglalaro lang ako? I am deadly serious, Valentino. I want a grandchild! If you want me to stop, then go ahead, maghanap ka na ng girlfriend, marry her and give me a grandchild,” galit na wika ni Don Mariano sa kaniyang anak.   Napabuntong-hininga na lang si Valentino. Alam niyang mainit na ang ulo ng kaniyang ama dahil tinawag siya nito sa kaniyang pangalan.   Tahimik na nilisan niya ang opisina ni Don Mariano at napahawak siya ng ulo dahil sa sinabi ng kaniyang ama. Naisip niya na mahabang proseso pa ang kailangan niyang gawin para mapatigil ang anunsyo na iyon.   Bumalik siya sa kaniyang opisina kasama si Secretary Joan. Nang makapasok na siya sa loob ay bigla siyang huminto at hinarap ang secretary.   “Miss Joan, I have a question.”   Nanlaki ang mga mata ni Secretary Joan dahil sa biglang sinabi ng kaniyang boss.   “What if mag-hire ako ng fake girlfriend?” tanong ni Valentino habang malayo ang tingin sa kaniya.   Binaling ni Valentino ang kaniyang paningin kay Secretary Joan. Inusisa niya iyon mula ulo hanggang paa at iniisip kung puwede ito maging fake girlfriend ngunit napailing siya dahil mas matanda ito sa kaniya ng sampung taon. This can’t be. She’s too old for me. Ugh! I must be crazy!   Napakurap ng dalawang beses ang mga mata ni Secretary Joan dahil sa tanong ng boss niya. Hindi niya akalain na tinititigan siya ni Valentino at iniisip niyang may pagnanasa ito sa kaniya.   “Uhm, Sir. I’ll be grateful. Wala pa naman akong naging jowa,” kilig na wika nito sa boss niya.   Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan si Valentino nang sinabi iyon ni Secretary Joan.   “W-wait! T-that’s not what I meant!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD