Julianna Katulad ng sinabi ni Jercie, wala na si Claire nang makabalik na kami sa Leiden. Halatang wala rin itong nabanggit tungkol sa amin ng ex-boyfriend niya. At ni isa sa mga tao sa mansiyon ay walang nagtanong kung saan kami galing nang makauwi na kami. Gusto ko sanang maniwala na wala silang ideya tungkol sa amin ni Jercie pero hindi ko magawa. Noong pagdating kasi namin ay kagaad na kinausap ni Mr. Esquivel ang anak niya. Hindi ko lang alam kung ano ang pinag-usapan nila. Wala rin naman kasing binanggit sa akin si Jercie noong gabing matulog kami sa kuwarto ko. Pero si Aljon? Sigurado na akong wala siyang narinig noong tumawag ito sa akin. Maayos ko pa rin siyang nakausap noong muli itong tumawag, na siyang ipinagpapasalamat ko. Dalawang araw na rin ang lumilipas noong makauwi