Julianna Ramdam na ramdam ko ang bigat ng atmosphere nang makarating kami sa ranch. Although, ang ganda ng lugar at ang lawak. Presko rin ang hangin dahil sa mga puno na nakapalibot. Iyon nga lang ay hindi pa rin nabura ng relaxing na paligid ang katotohanan na pinapaalis ni Jercie si Claire sa kanilang bahay. I don't know why he suddenly came up to that decision. Masyado rin siyang naging harsh. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng awa roon sa tao—lalo na kapag naiisip ko kung gaano siya ka-excited na magpunta rito kanina. Ngayon ay parang nawalan na siya ng gana—actually, kanina pa na ako ang pinaupo ni Jercie sa harapan ng sasakyan. Nakakaramdam din ako ng guilt kahit na alam ko sa sarili ko na wala naman akong kasalanan. Hindi ko naman inutusan si Jercie na paalisin siya dahil sa