Julianna I'm scared. Hindi kay Jercie o sa kung ano ang ginawa nito sa kanyang madrasta, kundi dahil sa katotohanang pauwi na rito si Aljon—probably with Trinity. Dahil hindi ko sinasagot ang mga tawag nito simula kahapon na saktan ni Jercie si Estelle dahil wala akong lakas ng loob, nag-send na lang ng message si Aljon na sinasabing nandito na siya bukas ng umaga. Hindi na nila nagawang tapusin ang isa pang linggo na dapat ay pananatili nila roon. At sa tingin ko, kaya umuwi sila kaagad ay dahil nakarating na kay Aljon ang ginawa ni Jercie sa nanay nito. Baka nga pati iyong tungkol sa amin, alam na rin niya sa puntong ito. Kahapon din na iyon siguro ay nagsumbong na si Mrs. Esquivel sa anak nito. Puwede rin na isa sa mga loyal na kasambahay nila ang nagsabi kay Aljon sa mga nangyari r