Chapter twenty two ALEXIS POV’S Pagdating namin ng bahay gutom na gutom ako,sa sobrang pagod ko.. kaya nag order na lang kami sa fast food at inuwi para dito na lang sa bahay kainin... at talagang sya ang naghahanda ng pagkain namin.. tinitignan ko lang lahat ng galaw niya… ako nakaupo lang naghihintay ng pagkain ko hahaha, "bat nakangiti ka dyan? " "bakit bawal ba? " nakakatawa kase sya.. "pss! " "oh kumain ka na nga" at inabot niya yung pagkain ko Pagkatapos naming kumain , haha syempre sya ang naghugas kaya naiwan sya sa kusina, ako naman nanuod lang… Nahahalata ko lang sa sarili ko kanina pa ko nakangiti, nababaliw na talaga ako.. Pagkatapos niyang maghugas umupo rin sya sa tabi ko at inakbayan ako… "teka, alisin mo yang kamay mo" at tinanggal ko yung kamay niya "bakit anong