LEI POV "ARE you happy?" Hindi ko napansin ang pagdating ni Daddy Sean. Pinapanood namin ang mag-ama na kasalukuyang naglalaro ng habulan. "Kumpleto na ako dad." Masaya kong saad. "Mabuti kung ganun anak. Hindi ko alam ang sasabihin kay Drake kapag nagkita kami sa kabilang buhay na hindi ko napasaya man lang ang anak niya." Naglalambing na niyakap ko si daddy Sean. "Dad, huwag mo sabihin yan. Mula ng ampunin mo ako at ituring na parang tunay na anak. Mahalagang bagay na sa akin iyon. Naging masaya ang buhay ko kahit na wala na akong magulang. Tyaka naging mabuting magulang ka sa akin, kayo ni mommy althea. Wala na akong hihiling pa dad kasi buo ang pamilya ko." May tumulong luha sa mga mata ni Daddy. "Dad don't cry. Pati ako naiiyak na rin." Sabi ko habang naluluha. "I'm sorry Le