Chapter 6

1359 Words
LEI POV AFTER the party. Umuwi na rin kami ng Family ko. Hindi ko na nakita si Jacob. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami ng bahay. Dumaretso ako sa kitchen at uminom ng water. Biglang sumulpot sa likod ko si Jacob. Iba ang prisensya niya. Parang galit siya na hindi ko maintindihan.. Lalagpasan ko na sana siya ng pigilan niya ako. Hindi ko siya nilingon. Nasasaktan pa rin ako sa sinabi niya kanina lang. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya ako saktan ng ganito. Ano bang nagawa kong mali para parusahan ng ganito. Ayoko ng maniwala pa kay Jacob. Masyado na akong nalulunod sa sakit na lagi niyang pinaparamdam sakin. “Anong kailangan mo?” Malamig kong tanong. Sapilitan niya akong hinarap sa kaniya. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. “Ano bang problema mo!” Galit kong bulyaw sa kaniya. “Ang lakas naman ng loob mong sigawan ako. Porket may nakilala kang lalaki. Nawala ka lang sandali kanina lumalandi ka na.” Aniya sa akin. Hindi ko na kaya ang pang-iinsulto niya sakin. Sinampal ko si Jacob. Nagulat ako sa ginawa ko pero hindi ko na mababawi pa dahil nagawa ko na. “Ito ang huling beses na iinsultuhin mo ako Jacob. Wala kang karapatan pagsabihan ako ng kung ano-ano. Mabuting tao yung nakausap ko. Siya ang tumulong sakin para kahit papaano, makalimutan kita.” Sabi ko at umalis na sa harap niya. Umiiyak akong pumasok sa room ko. Binagsak ko ang katawan sa kama at doon iniyak ang sakit na nararamdaman ko. Parang hindi ko na kakayanin pa ang sakit na ito. Kinabukasan, hindi kami nagkikibuan ni Jacob. Galit pa rin ako sa kaniya. Kada may gagawin siyang magpapasaya sakin. Lagi din niyang sinisira. In the end, para akong tanga na lagi na lang umaasa na sana magiging okay kami. Dapat bang magtiwala pa rin ako. Lagi din naman ako nasasaktan. Hindi ko na alam ang gagawin. Maniniwala pa ba ako na Love really Exists? Puro sakit lang naman ang pinaparamdam niya sakin. Tumawag sakin ang isa sa mga kaibigan ko. Birthday niya today at gusto niya na present ako sa celebration niya. May sarili silang business na Bar at doon gaganapin ang birthday niya. Nag-aalangan ako dahil baka hindi ako payagan ni Dad. Kanina pa nagri-ring ang phone ko. Ayoko sanang sagutin at baka magtampo pa sakin si Maureen. Sinagot ko din kalaunan. “Nasan ka na Lei? Kanina pa kami nagsimula. Ikaw na lang ang wala.” Aniya sa kabilang linya. Lumingon ako sa paligid kung may tao. Nang masiguro ko na wala sinagot ko si maureen. “Hindi ako makakarating.” sabi ko. Narinig ko ang pagkadismaya ni Maureen. “Lei, please. Pumunta ka na. Magtatampo talaga ako kapag wala ka dito. Kaibigan mo ako di ba. Once in the life time lang macelebrate ang birthday ko. At kailangan nandito ka para magcelebrate with me.” Napakamot ako ng ulo. Ano ng gagawin ko. Bahala na nga. Nakokonsensya ako kapag hindi ako makakarating. Inaasahan pa naman ako ni Maureen. “Wait for me, give me ten minutes. Papunta na ako d’yan.” Sabi ko. Inend ko na ang call. Pumasok na ako sa room ko at pinakiramdaman ang paligid kung tulog na ba sila. Nakabihis na ako at ready na. Tinawagan ko si Marco na samahan ako sa Bar. Mabuti na lang at pumayag siya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Mabuti na lang at tulog na sila. Anong oras na rin kasi madalas ay maaga natutulog si Dad at Mommy. Tuwang-tuwa ako ng makalabas ako ng bahay. Saktong kakarating lang din ni Marco. Pumasok kami ng Bar at sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Binigyan agad nila ako ng drinks. Masayang-masaya kami at puro kwentuhan. Nang medyo may tama na ako ay sumayaw kami sa gitna. Maraming mga lalaki ang dumikit sakin. Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Hinihingi nila ang number ko pero di ako pumayag. Nagpakilala sila sa akin pero snob lang ang ginawa ko. Uminom ako ng uminom kasama ng mga friends ko. hanggang sa hindi ko na kaya. Biglang may nakita akong pigura ng isang tao. Kamukha niya si Jacob. Imposible naman dahil hindi nila alam na lumabas ako. Bumalik kami sa dance floor. Muntik na ako matumba dahil sa kalasingan. Mabuti na lang at may sumalo sakin. Nakahawak sa bewang ko. Bumulong ang taong iyon sakin. Hindi ko maaninag ang mukha niya. “Ihahatid na kita.” Sabi ng lalaking biglang sumulpot sa harap ko. Napangiti ako sa kaniya. Blurred na rin ang paningin ko. Parang kaboses ni Jacob ang lalaking to. “Alam mo kaboses mo yung taong walang ibang ginawa kundi ang saktan ako.” Sabi ko habang nakatingin sa daan. Hindi sumagot ang lalaking umaalalay sakin. Nakalabas na kami ng bar. “Marco, iuwi mo na ako.” Sabi ko at gusto ng pumikit ng mata ko dahil sa kalasingan. Hindi ko na namalayan ang nangyayari sa paligid ko. Bigla akong nakatulog ng maipasok ako sa kotse. Nagising na lang ako kinabukasan. Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko mapigilan ang mapamura. Lagot ako kay Dad kapag nalaman niyang umalis ako kagabi. Hindi ko na nagawa pang magpaalam sa kaniya dahil alam kong di siya papayag. Kahit na legal age na ako. Bata pa rin ang tingin sakin ni Dad. Lahat naman ng magulang ay kaligtasan lang ng anak ang laging iniisip. Matigas din kung minsan ang ulo ko kaya napapagalitan ako. Gusto kong uminom dahil sa sakit na dala-dala ko. Hindi na nga ako gusto ng taong mahal ko. Nagagawa niya pa ako saktan sa pamamagitan ng salita. Hindi ko na alam kung sana ako lulugar. Iniisip ko na rin lumayas kasi hindi ko na talaga kaya pa. Iniisip ko kung tama ba na manatili pa ako dito. Si Jacob lang naman ang problema ko. Kung doon siya sasaya. Aalis ako pero dapat makausap ko si dad sa plano ko. Hindi ako pwedeng umalis na lang dito na hindi nagsasabi sa tinuring kong magulang. Nasa tamang edad na rin naman ako para mabuhay na mag-isa. Hindi pang habang buhay ay lagi ako naka sandal kay Dad. Gusto ko rin maranasan ang magkaroon ng tahimik na buhay. Sana lang dumating yung time na matanggap din ako ni Jacob. Pumasok sa room ko si Arianne. Naupo siya sa tabi ko. “Pinabibigay nga pala sayo ni Mommy.” Inabot niya sakin ang Mug na may lamang Tea. Ngumiti ako kay Ari at Nagpasalamat. Nag-paalam na siyang aalis na. Tinignan ko ang mug. Tamang-tama ito para mabawasan ang hang-over ko. Hindi muna ako lumabas. Ayoko munang silang makita. Baka malaman nila na hindi ako nag-paalam at umalis ako ng gabi. Nagsisi tuloy ako. Hindi na dapat ako tumakas para lang uminom. Pano kung malaman ni Dad. Malilintikan ako. Ayoko pa naman na nagagalit siya sakin. Sa susunod hindi na ako aalis na walang paalam. Naalala ko bigla si Marco. Kinuha ko ang phone at tinawagan ang number ni Marco. Ilang ring lang ay sinagot din niya. “Yes, Lei?" Aniya sa kabilang linya. Halatang kakagising lang niya. “Thank you nga pala sa pag-hatid sakin Marco.” Sabi ko. Hindi agad sumagot si Marco. Tinawag ko ang pangalan niya. “Naghatid sayo? Hindi ako ang kasama mo Lei. Hinanap kita dahil ihahatid na sana kita ng bigla kang nawala. Tinanong ko sa mga friends mo. Ang sabi mo raw kilala mo yung kasama mo yung lalaki na naghatid sayo.” Sabi niya. Naguluhan ako. Wala naman ako ibang kasama kagabi kundi siya lang. Kaya imposibleng ibang lalaki ang naghatid sakin. Tulog na ako nung nasa kotse ako. Hindi ko nga namalayan na nakauwi na ako dahil sa kalasingan. Akala ko nga si Marco ang nagdala sakin dito sa Room ko. “Sigurado ka ba Marco?” Paninigurado ko. “Oo, umuwi na rin ako nung umalis ka.” Aniya. Napatakip ako ng bibig. Sino yung lalaking naghatid sakin? Nagmamadali akong naligo para mahimasmasan. Si Dad kaya iyon? Baka nalaman niya agad na umalis ako kaya sinundo niya ako kagabi. Naku patay ako nito. Dapat makausap ko agad si Dad. Mag-eexplain ako sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD