“Halley, kailan ba ang due date mo?” tanong sa akin ni Nanay habang nagpapahinga kami sa beranda ng malaking bahay namin ni Lucas. Simula nang dalhin ako ni Lucas at ng pamilya ko rito sa Maynila, bihira na lang silang umuwi sa dati naming bahay. Madalas silang narito upang may makasama ako, lalo’t malapit na akong manganak. Dito na rin sa Maynila nag-aral ang kapatid kong si Harry. Hinimas ko ang aking tiyan na sobrang laki. “Gusto na nga niyang lumabas.” “Eh, kailan nga?” ulit ni Nanay. “Next week na po ang due date ko, pero parang gusto na niyang lumabas dahil madalas nang sumasakit ang tiyan ko.” “Gano’n ba? Hindi na dapat umaalis si Lucas para may kasama ka sa panganganak.” “Tinatapos lang niya ang mga importanteng meeting niya. Baka bukas ay hindi na siya aalis ng bahay.” “Nor