“Dalawang araw na lang at ikakasal na ako,” bulong ko habang pinapanood sina Harry at Lucas na naliligo sa swimming pool. Habang papalapit ang araw ng kasal, mas lalo akong nakakaramdam ng kaba. Kahit ilang ulit nang sinabi ni Nanay na huwag akong kabahan dahil kahit anong mangyari, mag-asawa pa rin kami ni Lucas, hindi ko pa rin mapigilan ang nararamdaman ko—lalo na tuwing makikita ko ang wedding gown na susuotin ko. “Ate Halley!” tawag ni Harry. Ngumiti ako. “Bakit?” “Maligo ka na!” “Mamaya na ako maliligo.” “Hindi naman malamig ang tubig,” sagot ni Harry. “Mamaya na nga.” “Ikaw ang bahala.” Ngumiti ako at muli ko silang pinanood. Ilang sandali pa, lumapit si Lucas at umupo sa tabi ko. “Darling, maligo ka na.” “Mamaya na ako maliligo.” “Ayaw mo talaga?” Bigla niya akong binu