Alas-singko ng umaga nang tumunog ang alarm ko. Agad ko itong pinatay upang hindi magising si Lucas. Pagkatapos, dahan-dahan akong bumangon. Gusto kong ipagluto ng almusal si Lucas at ang pamilya ko. Ilang araw na akong nakabalik sa bahay namin ni Lucas, ngunit kahit isang gawain bahay ay wala akong ginawa. Kaya ngayon, magluluto ako ng almusal namin bago ako pumasok sa trabaho. “Good morning!” sabi ko sa mga katulong nasa kusina at nagsisimula ng ihanda ang lulutuin nilang almusal. “Good morning, Ma’am Halley!” wika ng isang katulong. “Manang, ako na po ang magluluto ng almusal natin.” “Ma’am, kami na ang magluluto mabilis lang naman ito.” Ngumiti. “Gusto kong ipagluto sila ng almusal.” “Ma’am, baka palayasin kami kapag nalaman ni Sir Lucas na kayo ang nagluto.” “Huwag kayong mag-a