“Bakit wala kang imik?” tanong sa akin ni Lucas habang kumakain kami ng hapunan. Pilit akong ngumiti. “Wala naman.” “Is something bothering you?” Umiling ako. “Wala naman akong problema,” sabay iwas nang tingin sa kanya. “Are you upset because Savana was at the house when we visited” Umiling ako. “Hindi mo naman kontrolado kung sino ang gustong bisitahin ng mommy mo.” “Exactly! So why are you upset with me?” Tumingin ako sa kanya. “Hindi ako nagagalit sa ‘yo.” “Then why aren’t you talking to me?” “Wala lang ako sa mood makipag-usap ngayon.” “Tsk!” Tumayo siya at lumapit sa akin. Bigla niya akong niyakap habang nakatalikod ako. “I’m sorry!” Bumilis ang t***k ng puso ko habang nakayakap siya sa akin. “Lucas, hindi ako galit sa ‘yo kaya huwag ka nang mag-alala. Magagalit lang ako