CHAPTER 41

2581 Words

“Ma’am Ibyang, dahan-dahan lang po sa paglalakad, hindi pa masyadong magaling ang mga paa n’yo,” wika ng katulong na nakaalalay sa akin sa paglalakad sa malawak na bakuran ng hacienda ni Dr. Carlito. “Huwag po kayong mag-alala dahil kaya ko naman,” tugon ko. Dalawang linggo na akong nasa poder ni Dr Carlito, ngunit kahit buo kong pangalan ay hindi ko pa maalala. Gayunpaman, sinigurado ni Dr. Carlito na babalik rin ang mga alaala ko paunti-unti. “Baka po mapagalitan ako ni Sir Carlo,” sabi ng katulong. Huminto ako sa paglalakad. “Sige, babalik na ako sa loob.” Dahan-dahan akong naglakad habang nakaalalay sa akin ang katulong. Pumasok kami sa loob ng bahay at nagpahinga sa beranda ng malaking bahay. Kapag nakaupo ako sa beranda ay nararamdam ko ang katahimikan. Ang malakas na hangin at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD