Nagising ako nang maramdaman kong may humalik sa aking labi. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata, at doon ko siya nakita—si Lucas, nakangiti habang nakatitig sa akin. Bumangon ako mula sa kama, bahagyang nagulat. “Lucas, kanina ka pa ba?” tanong ko, pilit na itinatago ang pagkabigla at hiya. Naroon siya, sa mismong silid ko. Oras ko ngayon ng pahinga kaya wala ako sa kwarto ng anak naming si Luke. Alam na nina Lucas at ng pamilya niya na ako ang totoong Halley, ngunit lihim pa rin ito sa mga kasambahay. Ang alam nila, isa lamang akong yaya ni Luke. Hindi rin ipinapakita ni Lucas ang pagiging malapit namin sa isa’t isa kapag may ibang tao upang maiwasan ang usap-usapan—lalo na’t ayaw naming malaman ni Savana ang totoo. Umupo si Lucas sa gilid ng kama at isa-isang tinanggal ang m