Lucas's Pov: Two years later.. Seryoso akong nakikinig sa daddy ko habang nagbibigay siya ng talumpati sa aming anibersaryo sa kumpanya. Marami kaming bisitang inanyayahan, kabilang na ang mga galing sa ibang bansa. Marami rin kaming inihanda para sa mga empleyado namin. Itinutuon namin ang party na ito para sa kanilang kasiyahan, kaya lahat sila ay makakatanggap ng bonus at grocery ngayong araw. Lumingon ako nang maramdaman ko ang pagtapik sa balikat ko. "Bakit?" tanong ko kay Peter. "Birthday ni Miguel." "Eh ano ngayon?" "Pumunta ka na." Umiling ako. "I don’t have time for that." “Lucas, ‘wag kang magmukmuk na lang. Kailangan mong i-enjoy ang buhay mo.” “Masaya naman ako sa buhay ko.” “Simula nang umalis si Halley, hindi na kita nakitang masaya.” Bumuntong-hininga ako. “Hangg